Ang app na ito at ang nilalaman nito ay tinutukoy sa sumusunod bilang ang “App”. Ang App ay pinapatakbo ng Zound Industries International AB, (magmula dito ay tinutukoy bilang “Zound Industries”). Ang Kasunduan sa Lisensiya ng End User na ito (magmula dito ay tinutukoy bilang ”Kasunduan”), kasama ang anumang mga update o bahagyang pagbabago, ay bumubuo sa lahat ng kasunduan sa pagitan mo at ng Zound Industries tungkol sa App.
KASUNDUAN
Mangyaring basahin ang Kasunduang ito bago gamitin ang App. Sa pamamagitan ng paggamit sa App na ito, tinatanggap mo ang mga katakdaang ito at sumasang-ayon kang mapasailalim sa Kasunduang ito.
Ang Kasunduang ito ay maaaring baguhin nang bahagya paminsan-minsan, at ang patuloy mong paggamit sa App kasunod ng ganoong bahagyang pagbabago ay ituturing na bumubuo ng pagtanggap mo sa anuman at lahat ng ganoong mga bahagyang pagbabago. Lahat ng mga bahagyang pagbabago ay isinasama sa Kasunduang ito sa pamamagitan ng pagbanggit na ito. Kung ayaw mong tanggapin, hindi mo maaaring gamitin ang App.
Sa pagtanggap sa Kasunduan, pinatutunayan mo na ikaw ay 18 taong gulang o mas matanda. Kung wala ka pang 18 taong gulang ngunit hindi bababa ang edad sa 13 taong gulang maaari mo lamang gamitin ang App na ito, at sa gayon ay tinatanggap ang Kasunduan, kung aprobado ng isang magulang o legal na tagapag-alaga na sumasang-ayong mapasailalim sa Kasunduan. Kung hindi mo matutupad ang mga hinihinging ito hindi mo maaaring gamitin ang App na ito.
Sa pagtanggap sa Kasunduan, ipinahahayag at ginagarantiyahan mo na (i) hindi ka naninirahan sa isang bansa na napapasailalim sa isang embargo ng Gobyerno ng U.S., o sa itinalaga ng Gobyerno ng U.S. bilang isang bansa na “sumusuporta sa terorista”; at (ii) hindi ka nakalista sa anumang listahan ng Gobyerno ng U.S. ng mga pinagbabawalan o hinihigpitang panig.
Ang anumang software sa App na mayroong isang hiwalay na kasunduan sa lisensiya ng end user ay sasaklawin ng ganoong naaangkop na hiwalay na kasunduan sa lisensiya ng end user bilang karagdagan sa mga katakdaan ng Kasunduang ito.
Ang Kasunduang ito ay sa pagitan mo at ng Zound Industries, at ang Zound Industries ang tanging responsable para sa App at sa nilalaman nito. Ang Kasunduang ito ay hindi bumubuo ng anumang legal na mga obligasyon o pananagutan para sa sinumang mga ikatlong panig kaugnay sa iyo. Sa pamamagitan nito ay tinatanggap mo, nang napapasailalim sa mga katakdaan ng Kasunduang ito, na ang Zound Industries, at hindi ang sinumang ikatlong panig ang siyang tanging responsable sa pagtugon sa anumang mga paghahabol kaugnay sa App o sa iyong pagtataglay at/o paggamit niyon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: (a) mga paghahabol sa pananagutan ng produkto; (b) anumang paghahabol na nagsasabing ang App ay nabigo sa pagsunod sa anumang pinaiiral na hinihingi ng batas o regulasyon; o (c) mga paghahabol na nanggagaling sa ilalim ng proteksyon ng konsyumer o katulad na batas.
Sa pangyayaring ang anumang paghahabol ng ikatlong panig na nagsasabing ang App o anumang pagtataglay at paggamit ng end-user sa App ay lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ng ikatlong panig, ang Zound Industries, at hindi ang sinumang mga ikatlong panig, ay tanging responsable para sa pagsisiyasat, pagtatanggol, pag-aareglo at pagpapawalang-halaga sa anumang naturang paghahabol sa paglabag sa intelektwal na ari-arian.
PERSONAL NA DATA
Kung pipiliin mong magrehistro sa Zound Industries para tumanggap ng impormasyon tungkol sa mga update ng iyong Device kailangan mong ibigay sa Zound Industries ang mga partikular na Personal na Data (ibig sabihin, ang iyong e-mail address). Sa pagbibigay ng ganoong Personal na Data tinatanggap mo na maaari itong iproseso ng Zound Industries alinsunod sa nakatakda sa naaangkop na Patakaran sa Pagkapribado para sa mga Update ng Produkto ng Zound Industries, ayon sa balido sa tuwina.
KARAPATANG-ARI; PAGGAWAD NG LISENSIYA
Ang App, at lahat ng nilalaman nito, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa software, source code, mga script, teksto, likhang sining, mga litrato, mga imahen, mga animasyon at disenyo nito ay protektado ng pambansa at pang-internasyonal na mga batas sa karapatang-ari at mga kasunduan. Lahat ng karapatan at titulo sa at sa App ay pagmamay-ari ng Zound Industries o nakalisensiya sa Zound Industries sa pamamagitan ng mga ikatlong panig na may hawak ng mga karapatan o sinumang mga tagasuplay ng serbisyo na ikatlong panig, kabilang ang kanilang mga subsidyaryo (magmula dito ay tinutukoy bilang “Ikatlong Panig” o “Mga Ikatlong Panig”). Binibigyan ka ng Zound Industries ng isang limitado at di-eksklusibong lisensiya alinsunod sa Kasunduang ito upang gamitin lamang ang App kaugnay sa iyong nababagay na produkto (magmula dito ay tinutukoy bilang "Device") at para lamang sa iyong indibidwal at di-komersyal na paggamit.
Walang karapatan, titulo, o interes sa App, o anumang parte nito, ang ipinapaabot o inililipat sa iyo. Ito ay isang limitado at di-eksklusibong lisensiya sa ilalim ng mga sumusunod na paghihigpit: (a) hindi mo maaaring kopyahin, muling kopyahin, ilathala, ipadala, ipamahagi, isaganap, i-display, i-post, bahagyang baguhin, lumikha ng mga hinangong gawa mula sa, ibenta, ilisensiya o kung hindi man ay samantalahin ang App o anumang parte nito; (b) hindi mo maaaring i-access o gamitin ang App para sa anumang mapagkumpitensya o komersyal na layunin at hindi maaaring bahagyang baguhin o kung hindi man ay gumawa ng anumang hinangong mga paggamit sa App o sa nilalaman nito; (c) hindi mo maaaring “i-frame”, “isalamin,” o kung hindi man ay isama ang anumang bahagi ng App sa anumang iba pang serbisyo, kabilang ngunit hindi limitado sa anumang web site o app; (d) hindi mo maaaring i-bypass, bahagyang baguhin, talunin o linlangin ang anumang mga gamit o proteksyon ng App, o anumang parte nito, o anumang mekanismo na ini-link dito; at (d) hindi mo maaaring gamitin ang App, o alinman sa mga nilalaman nito, maliban sa binalak na layunin nito at ayon sa hayagang pinahihintulutan ng Kasunduang ito.
Sa pangyayaring may paglabag sa Kasunduang ito kailangan mong i-uninstall at itigil ang lahat ng paggamit sa App. Ang Zound Industries, pati na ang anumang Ikatlong Panig, ay may reserbadong karapatan na hingin ang lahat ng mga remedyo na magagamit ayon batas at sa pagkakapantay (equity), kasama ngunit hindi limitado sa pagpapatigil sa pagpapaandar sa App. Kung ang anumang bahagi ng Kasunduang ito ay ipapasyang hindi balido, iligal, o hindi maipatutupad, ang probisyong iyon ay ipatutupad sa sukdulang saklaw na pinahihintulutan upang mapanatili ang intensyon ng Kasunduang ito, at ang iba pang mga bahagi ay mananatiling ganap na ipinatutupad at may bisa.
PAGGAMIT SA APP KASAMA ANG MGA MATERYALES NA MAY KARAPATANG-ARI
Ang App ay may kakayahang gamitin mo upang ma-access ang nilalaman na nilikha mo at/o ng mga ikatlong panig sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Device at Ikatlong Panig. Ang ganoong nilalaman ay maaaring protektado ng karapatang-ari, iba pang mga batas sa intelektwal na ari-arian, at/o mga kasunduan. Sumasang-ayon kang gamitin lamang ang App alinsunod sa mga ganoong batas at mga kasunduan na umaaplay sa ganoong nilalaman. Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na ang Zound Industries at sinumang Ikatlong Panig ay maaaring gumawa ng angkop na mga hakbang upang maprotektahan ang karapatang-ari sa nilalaman na ginamit sa pag-access sa pamamagitan ng App.
MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG AT INTERNET CONNECTIVITY
Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na ang pagkakaroon ng mga serbisyo ng Ikatlong Panig, at ang pagkakabagay ng App na ito sa naturan, ay napapasailalim sa pahintulot ng kaukulang Ikatlong Panig at ang naturang pagkakaroon ng mga serbisyo ng Ikatlong Panig ay maaaring mangailangan ng mga hiwalay na kasunduan sa pagitan mo at ganoong Ikatlong Panig. Ang Zound Industries ay hindi tumatanggap ng responsibilidad para sa pagkakaroon ng mga ganoong serbisyo o para sa anumang mga singil na babayaran sa ilalim niyon.
Mangyaring makipag-ugnay sa naaangkop na Ikatlong Panig para sa mga patakaran sa pagkapribado kaugnay sa personal na data na iyong ibinibigay kapag ginagamit o ina-access mo ang software o serbisyo ng naturang Ikatlong Panig. Ang Zound Industries ay hindi responsable para sa paggamit ng naturang Ikatlong Panig sa anumang personal na data.
Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na ang pag-access sa App at mga serbisyo ng Ikatlong Panig ay nangangailangan ng koneksyon sa Internet na ikaw ang tanging responsable.
Ang paggamit sa App at pag-access sa mga serbisyo ng Ikatlong Panig ay maaaring limitado o hinihigpitan, dahil sa mga limitasyon ng teritoryo, at/o depende sa mga kakayahan, bandwidth o teknikal na mga limitasyon ng iyong koneksyon at serbisyo sa Internet. Ang Zound Industries ay walang anumang mga pananagutan para sa pagkakaloob, kalidad at seguridad ng ganoong koneksyon sa Internet.
MGA IKATLONG PANIG NA TAGAPAGBIGAY NG PLATFORM AT MGA TINDAHAN NG APLIKASYON
Ang ilang mga ikatlong panig na tagapagbigay ng platform na may mga device at/o mga operating system kung kanino ang App ay nadisenyong/dinisenyong bumagay ay umoobliga sa Zound Industries na isama ang ilang mga karagdagang probisyon sa mga takdang ito. Ang mga ito ay itinakda sa katapusan ng mga katakdaang ito sa ilalim ng MGA KARAGDAGANG KATAKDAAN MULA SA MGA IKATLONG PANIG NA TAGAPAGBIGAY NG PLATFORM. Ang mga probisyong ito ay nanggagaling mula sa mga kaukulang ikatlong panig na tagapagbigay ng platform, hindi sa Zound Industries.
Ang mga ikatlong panig na tindahan ng aplikasyon ay pinaaandar ng mga kaukulang ikatlong panig na tagapagbigay ng platform at/o ng kanilang mga kaanib. Kailangan mong sumunod sa lahat ng naaangkop na mga katakdaan ng serbisyo, mga alituntunin at mga patakaran na umaaplay sa anumang ganoong ikatlong panig na tindahan ng aplikasyon kung saan mo dina-download ang App. Ang Zound Industries ay hindi responsable para sa mga tindahang ito o (maliban sa App) para sa anumang bagay na ibinigay ng mga ito at hindi magagarantiyahan na patuloy na magagamit ang mga ito.
OPEN SOURCE CODE
Ang App ay maaaring maglaman ng code, karaniwang tinutukoy bilang open source software, na ipinamamahagi sa ilalim ng alinman sa maraming kilalang mga variation ng mga katakdaan ng lisensiya ng open source, kasama ang mga katakdaan na nagpapahintulot sa malayang distribusyon at bahagyang pagbabago sa source code ng kaukulang software at/o na humihingi sa lahat ng mga distributor na ipagamit nang malaya ang ganoong source code kapag hiniling, kabilang ang anumang mga kontribusyon o mga bahagyang pagbabago na ginawa ng naturang distributor (sama-sama ay tinatawag na “Open Source Software”). Mangyaring tandaan na, sa hangganang ang App ay naglalaman ng anumang Open Source Software, tanging ang elementong iyon lang ang lisensiyado sa iyo sa ilalim ng kaukulang mga katakdaan ng lisensiya ng naaangkop na ikatlong panig na lisensiyante (Mga Katakdaan ng Lisensiya ng Open Source) at hindi sa ilalim ng mga terminong ito, at tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na masakop ng ganoong mga Katakdaan ng Lisensiya ng Open Source. Ang deklarasyon ng ginagamit na Open Source Software at ang Mga Katakdaan ng Lisensiya ng Open Source na umaaplay sa Open Source Software ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng App. Isang kopya ng source code para sa anumang Open Source Software na nakapaloob sa anumang App at ang kaukulang Mga Katakdaan ng Lisensiya ng Open Source ay makukuha mo kapag ito ay iyong hiniling.
MGA UPDATE
Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na maaaring awtomatikong i-update o kung hindi man ay bahagyang baguhin ng Zound Industries at ng Mga Ikatlong Panig ang App o ang Device kapag na-update ang App of ang Device, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga gamit na maaari mong asahan o anumang data o mga preset na iyong naimbak, sa App o sa Device. Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na maaaring isakondisyon ng Zound Industries at mga Ikatlong Panig ang patuloy na paggamit sa App o anumang mga serbisyo sa iyong pag-install o pagtanggap sa ganoong update. Anuman at lahat ng mga update ay itinuturing na, at magiging, bahagi ng App para sa mga layunin ng Kasunduang ito.
Sa pamamagitan nito tinatanggap mo na walang mga Ikatlong Panig ang mayroong anumang obligasyon kaninuman upang magbigay ng anumang mga serbisyo sa pagmementena at suporta hinggil sa App.
PAG-EXPORT AT IBA PANG MGA REGULASYON
Sumasang-ayon ka na sumunod sa lahat ng naaangkop na mga paghihigpit at regulasyon sa pag-export at muling pag-export mula sa lugar o bansa kung saan ka naninirahan pati na rin sa mga paghihigpit ng Zound Industries at mga Ikatlong Panig, at huwag, o pahintulutang, ipadala, ilayo, i-transship, ilipat, i-export o i-export muli, o pahintulutan ang paglilipat, ng App, o nilalaman nito, o ng Device sa isang ipinagbabawal na bansa o kung hindi man ay lumalabag sa anumang ganoong mga paghihigpit o regulasyon.
Bilang isang halimbawa ng nabanggit sa itaas, ang App o ang Device ay hindi maaaring gamitin, ipadala, i-export o muling i-export sa anumang bansa o gamitin sa anumang paraan na ipinagbabawal ng anumang mga batas sa pagkontrol sa export, mga paghihigpit, o mga regulasyon na pinangangasiwaan ng Kawanihan ng Pangangasiwa sa Export ng Departamento ng Komersiyo ng U.S., ng Opisina ng Kontrol sa mga Ari-ariang Panlabas ng Departamento ng Tesoreriya ng U.S. o anumang iba pang naaangkop na ahensiya ng gobyerno.
MGA PATAS NA REMEDYO
Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na ang anumang paglabag mo o hindi mo pagsunod sa Kasunduang ito ay maaaring maging sanhi ng hindi na maisasaayos na pinsala sa Zound Industries o mga Ikatlong Panig kung kanino ang mga perang bayad-pinsala ay hindi sapat, at pumapayag ka sa pagkuha ng Zound Industries at Mga Ikatlong Panig ng anumang injunction o equitable relief na ipinapasya ng naturang partido bilang kinakailangan o nararapat sa ganoong mga pangyayari. Ang Zound Industries at Mga Ikatlong Panig ay maaari ring gumamit ng anumang legal at teknikal na remedyo upang mapigilan ang paglabag sa at/o upang maipatupad ang Kasunduang ito, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, agarang pagtatapos ng iyong paggamit sa App, kung ang naturang panig ay naniniwala sa sarili nitong pagpapasya na ikaw ay lumalabag o nagnanais na lumabag sa Kasunduang ito. Ang mga remedyong ito ay bumubuo ng karagdagan sa anumang iba pang mga remedyo na maaaring karapatan ng Zound Industries at mga Ikatlong Panig sa harap ng batas, nang patas o sa ilalim ng kontrata.
MGA BENEPISYARYO NA IKATLONG PANIG
Ang bawat Ikatlong Panig ay hayagang nakalaan na Ikatlong Panig na benepisyaryo ng, at magkakaroon ng karapatan na ipatupad ang, bawat probisyon ng Kasunduang ito kaugnay sa mga karapatan na taglay ng naturang panig.
WALANG GARANTIYA SA APP O SOFTWARE O MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG
TINATANGGAP MO AT SUMASANG-AYON KA NA SA PAGGAMIT MO SA APP AT ANUMANG SOFTWARE AT MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG NASA SA IYO ANG TANGING PANGANIB AT IKAW ANG RESPONSABLE SA NATURANG PAGGAMIT. ANG APP AT ANUMANG SOFTWARE AT MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG AY IBIBINIGAY "AS IS," NANG WALANG ANUMANG URI NG GARANTIYA, TUNGKULIN O KONDISYON.
HAYAGANG ITINATATWA NG ZOUND INDUSTRIES AT NG BAWAT ISA SA MGA IKATLONG PANIG ANG LAHAT NG MGA GARANTIYA, TUNGKULIN O KONDISYON, IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, IPINAHIWATIG NA MGA GARANTIYA NG PAGKAMAAARING IBENTA, HINDI PAGLABAG AT KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN PARA SA APP O SA SOFTWARE AT MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG NA MAA-ACCESS SA PAMAMAGITAN NG APP. ANG ZOUND INDUSTRIES AT ANG MGA IKATLONG PANIG AY HINDI NAGGAGARANTIYA O GUMAGAWA NG ANUMANG MGA KONDISYON O PAGPAPAHAYAG NA ANG APP, SOFTWARE O MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG, O ANG MGA GAMIT NITO, AY MAKAKATUGON SA IYONG MGA PANGANGAILANGAN, MAA-UPDATE, MAGIGING TAMA O WALANG KAMALIAN, NA ANG ANUMANG MGA DEPEKTO AY MAITATAMA, NA HINDI ITO MAKAKAPINSALA SA ANUMANG IBA PANG SOFTWARE, HARDWARE O DATA. BUKOD DITO ANG ZOUND INDUSTRIES AT ANG IKATLONG PANIG AY HINDI NAGBIBIGAY NG GARANTIYA O GUMAGAWA NG ANUMANG MGA KONDISYON O PAGPAPAHAYAG NA ANG MGA SERBISYO NA MAGAGAMIT SA PAMAMAGITAN NG APP NA ITO AY HINDI BABAWIIN, AT NA ANG SUPLAY NG GANOONG MGA SERBISYO AY HINDI TATAPUSIN, NA MAGBUBUNGA SA HINDI PAGTUTUGMA NG APP NA ITO SA GANOONG MGA SERBISYO NG IKATLONG PANIG, O NA AANDAR ITO NANG WALANG PAGHINTO O BAHAGYANG PAGBABAGO.
WALANG PASALITA O NAKASULAT NA IMPORMASYON O PAYO NA IBINIGAY NG ZOUND INDUSTRIES, ANUMANG IKATLONG PANIG O MGA AWTORISADING KINATAWAN NITO ANG GAGAWA NG GARANTIYA, TUNGKULIN O KONDISYON O SA ANUMANG PARAAN AY MAGDARAGDAG SA SAKLAW NG GARANTIYANG ITO.
HINDI PINAPAYAGAN NG ILANG MGA HURISDIKSYON ANG DI-PAGSASAMA NG IPINAHIWATIG NA MGA GARANTIYA, KUNG KAYA'T ANG MGA DI-PAGSASAMA NA ITO AY MAAARING HINDI NAAANGKOP SA IYO.
LIMITASYON NG PANANAGUTAN
ANG ZOUND INDUSTRIES AT ANG MGA IKATLONG PANIG, SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG INSIDENTAL O RESULTANG MGA PINSALA DAHIL SA PAGLABAG SA ANUMANG IPINAHAYAG O IPINAHIWATIG NA GARANTIYA, PAGLABAG SA KONTRATA, PAGPAPABAYA, MAHIGPIT NA PANANAGUTAN O SA ILALIM NG ANUMANG IBA PANG LEGAL NA TEYORYA KAUGNAY SA APP, ANG SOFTWARE O MGA SERBISYO NA MAA-ACCESS SA PAMAMAGITAN NG APP, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, ANUMANG MGA PINSALA NA NAGMUMULA SA PAGKAWALA NG MGA TUBO, PAGKAWALA NG KITA, PAGKAWALA NG DATA, PAGKAWALA NG PAGGAMIT SA APP, SA SOFTWARE O SA MGA SERBISYO NA MAA-ACCESS SA PAMAMAGITAN NG APP O ANUMANG KAUGNAY NA HARDWARE, DOWN TIME AT USER’S TIME, KAHIT NA NAPAYUHAN ANG SINUMAN SA KANILA TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG GANOONG MGA PINSALA.
HINDI PINAPAYAGAN NG ILANG MGA HURISDIKSYON ANG DI-PAGSASAMA O PAGLILIMITA SA MGA INSIDENTAL O RESULTANG PINSALA, KAYA ANG DI-PAGSASAMA O PAGLILIMITANG NABANGGIT SA ITAAS AY MAAARING HINDI NAAANGKOP SA IYO.
NAMAMAHALANG BATAS AT HURISDIKSYON
Ang Kasunduang ito ay pamamahalaan ng mga batas ng Sweden, nang walang pagsasaalang-alang sa salungatan ng mga probisyon ng batas. Tulad ng sa pagitan mo at ng Zound Industries, ang anumang pagtatalo na nagmumula sa Kasunduang ito ay sasailalim sa eksklusibong lugar ng korte ng distrito sa Stockholm, Sweden, at sa pamamagitan nito sumasang-ayon ang mga panig sa lugar at hurisdiksyon ng naturang mga korte.
IMPORMASYON SA PAGKONTAK
Zound Industries International AB, Centralplan 15, 111 20 Stockholm, Sweden
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o alalahanin tungkol sa App na ito o sa Kasunduang ito at nais mong makipag-ugnay sa Zound Industries, mangyaring mag-click dito at sundin ang mga tagubilin: https://www.marshallheadphones.com/marshall-bluetooth-app-support
Huling na-update ang Kasunduang ito: Hulyo 19, 2018.
__________
KARAGDAGANG MGA KATAKDAAN MULA SA MGA IKATLONG PANIG NA TAGAPAGBIGAY NG PLATFORM APPLE:
Kung ang App na iyong na-download, na-access at/o ginamit ay tumatakbo sa iOS operating system ng Apple:
• ang App ay maaari lamang ma-access at gamitin sa isang device na pag-aari o kinokontrol mo at sa paggamit sa iOS operating system ng Apple, at alinsunod lamang sa mga tuntunin ng Apple sa paggamit na inilathala sa mga katakdaan ng serbisyo nito sa App Store;
• tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na:
o Ang Apple ay walang obligasyon sa lahat na magbigay ng anumang suporta o mga serbisyong pagmementena kaugnay sa App. Kung mayroon kang anumang mga tanong sa pagmementena o suporta kaugnay sa App, mangyaring makipag-ugnay sa Zound Industries, hindi sa Apple, gamit ang mga detalye sa Pagkontak sa itaas;
o maliban sa nakasaad sa mga takda na mga ito, ang anumang paghahabol kaugnay sa pagtataglay o paggamit sa App ay sa pagitan mo at ng Zound Industries (at hindi sa pagitan mo, o sinuman, at ng Apple);
o sa pangyayaring may anumang paghahabol ng isang ikatlong panig na nagsasabing ang iyong pagtataglay o paggamit (alinsunod sa mga katakdaang ito) sa App ay lumalabag sa anumang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian, hindi magiging responsable o mananagot sa iyo ang Apple kaugnay sa paghahabol na iyon; at
o bagama't ang mga katakdaang ito ay pinagkasunduan ninyo ng Zound Industries (at hindi ng Apple), ang Apple, bilang isang ikatlong panig na benepisyaryo sa ilalim ng mga katakdaang ito, ay may karapatang ipatupad ang mga katakdaang ito laban sa iyo;
• ipinahahayag at ginagarantiyahan mo na:
o ikaw ay hindi naroon, at hindi paroroon, sa anumang bansa na napapasailalim sa isang embargo ng Gobyerno ng Estados Unidos o na itinalaga ng Gobyerno ng Estados Unidos bilang isang "bansa na sumusuporta sa terorista"; at
o hindi ka nakalista sa anumang listahan ng Gobyerno ng Estados Unidos ng mga pinagbabawalan o hinihigpitang partido; at
• kung ang App ay hindi sumusunod sa anumang garantiya na naaangkop dito, maaari mong ipagbigay-alam sa Apple, na siyang magbabalik sa iyo ng presyong ibinayad para sa App (kung mayroon man). Alinsunod dito, at sa sukdulang saklaw na pinahihintulutan ng batas, hindi nagbibigay ng o pumapasok ang Apple sa anumang garantiya, kondisyon o iba pang takda kaugnay sa App at hindi mananagot sa iyo para sa anumang mga paghahabol, pagkalugi, halaga o gastos sa kahit anong uri kaugnay sa App o bunga ng paggamit mo o ng iba pang tao sa App o pagtitiwala sa anumang nilalaman nito.