Upang mabigyan ka ng posibleng pinakamagandang karanasan habang ginagamit ang aming mga produkto at mabigyan ka ng impormasyon tungkol sa mga update ng produkto, ibibgay mo sa Zound Industries ang impormasyong makakatukoy sa iyong pagkatao (“Personal na Data”) na kinokolekta at pinoproseso ng Zound Industries.
1. PAGKOLEKTA AT PAGPROSESO NG PERSONAL NA DATA
Pakitandaan na kailangan mong bigyan ang Zound Industries ng ilang Personal na Data kung gusto mong magparehistro para sa impormasyon tungkol sa mga update ng iyong produkto.
Kung pipiliin mong hindi ibigay ang Personal na Data na hinihingi ng Zound Industries para sa ganoong mga layunin, hindi ka mabibigyan ng Zound Industries ng impormasyon tungkol sa mga update.
Ang uri ng Personal na Data na kinokolekta at pinoproseso ng Zound Industries ay binubuo ng sumusunod para sa sumusunod na layunin at panahon:
2. MGA IKATLONG PANIG AT PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATA
Maliban sa itinakda dito sa Patakaran sa Pagkapribado, hindi sasadyaing isiwalat ng Zound Industries ang iyong Personal na Data sa mga ikatlong panig nang wala kang pahintulot. Gayunpaman, maaaring isiwalat ng Zound Industries ang impormasyon sa mga ikatlong panig, para maproseso nila ang naturan, sa mga pangyayaring nakasaad sa ibaba.
2.1 MGA TAGAPAGBIGAY NG SERBISYO NG ZOUND INDUSTRIES
Nagtatarabaho ang Zound Industries nang kasama ang mga tagapagbigay ng serbisyong ikatlong panig na nagbibigay ng mga serbisyo na nauugnay sa pagpapadala ng mga e-mail at iba pang mga nauugnay na serbisyo.
Maaaring makatanggap ang naturang mga ikatlong panig ng access sa iyong Personal na Data upang maibigay nila ang mga nilalayong serbisyo para sa Zound Industries, nang napapasailalim sa mga obligasyon ng kompidensiyalidad.
2.2 PAGPAPATUPAD NG BATAS AT MGA LEGAL NA PROSESO
Maaaring isiwalat ng Zound Industries ang Personal na Data kung inaatasan ito ng mga naaangkop na batas, kautusan ng korte, mga subpoena ng korte o gobyerno o mga warrrant, o kung hindi naman ay para makipagtulungan sa tagapagpatupad ng batas o iba pang mga ahensiya ng gobyerno.
Bukod dito, reserbado ng Zound Industries ng karapatang isiwalat ang Personal na Data na pinaniniwalaan ng Zound Industries na naaangkop o kinakailangan upang gumawa ng mga hakbang para protektahan ang Zound Industries at iba pa mula sa madaya, mapang-abuso o labag sa batas na paggamit o aktibidad, para imbestigahan at ipagtanggol ang Zound Industries mula sa mga paghahabol o paratang ng ikatlong panig at para protektahan ang mga legal at pang-negosyong karapatan ng Zound Industries, ipatupad ang mga kontrata o protektahan ang mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng iba.
2.3 PAGPAPALIT NG MAY-ARI
Maaaring ilipat ang Personal na Data sa isang bumibili o pinaglilipatan bilang bahagi ng pagbebenta ng negosyo ng Zound Industries, sa kabuuan o bahagi nito, para sa nag-iisang layunin na pagpapatuloy ng negosyo nang napapasailalim sa ganoong pagbebenta at kung ang tumatanggap ng ganoong Personal na Data ay nangangako lamang sa isang Patakaran sa Pagkapribado na may mga katakdaan na lubhang naaayon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito.
2.4 PAGLILIPAT NG PERSONAL NA DATA
Maaaring ilipat ng Zound Industries ang Personal na Data sa mga tagapagbigay ng serbisyo, tulad ng nakasaad sa Seksyon 2.1 sa itaas, na nasa labas ng EU kung makatwirang kinakailangan para maisagawa ng mga naturang tagapagbigay ng serbisyo ang kanilang obligasyon kaugnay sa Zound Industries. Gayunpaman, palaging susunod ang Zound Industries sa mga hinihingi ng GDPR na nagbibigay ng sapat na proteksyon para sa paglilipat ng ganoong Personal na Data sa naturang mga ikatlong bansa at susubukang iwasan ang ganoong paglilipat.
3. IMPORMASYON TUNGKOL SA IYONG MGA KARAPATAN KAUGNAY SA PAGPROSESO NG ZOUND INDUSTRIES SA IYONG PERSONAL NA DATA
Kaugnay sa iyong Personal na Data at sa pagproseso ng Zound Industries dito, karapatan mo ang mga sumusunod:
Karapatang i-access: May karapatan kang tumanggap ng impormasyon kung ipoproseso ng Zound Industries ang alinman sa iyong Personal na Data, kung para sa anong layunin at kailang panahon, atbp.;
Karapatan ng pagtutuwid: Karapatan mong hingin sa Zound Industries na iwasto ang anumang mga mali sa o i-update ang iyong Personal na Data;
Karapatang makalimutan: Karapatan mong hingin sa Zound Industries na i-delete ang lahat ng Personal na Data;
Karapatang higpitan ang pagpoproseso: May karapatan kang hingin sa Zound Industries na higpitan o kontrolin ang Personal na Data na pinoproseso ng Zound Industries o ang paggamit ng Zound Industries sa naturan sa mga partikular na pangyayari; at
Karapatan sa data portability: May karapatan kang ieksport ang iyong Personal na Data na ibinigay mo sa Zound Industries.
Upang pahintulutan kang ipatupad ang iyong mga karapatang nakasaad sa itaas maaari mong kontakin ang Zound Industries kaugnay ng iyong mga karapatan sa pamamagitan ng impormasyon sa pagkontak na ibinibigay sa Seksyon 7 sa ibaba.
Sa sandaling makontak ang serbisyo sa kostumer para sa layuning ito kailangang may access ka sa parehong e-mail adres na ginamit sa pagparehistro sa Zound Industries upang mapatunayan ng Zound Industries ang iyong pagkakakilanlan at karapatang i-access ang iyong Personal na Data.
Pakitandaan na bagama't ang mga pagbabago o mga update ay makikita agad o sa makatwirang panahon sa loob ng mga sistema ng Zound Industries, reserbado ng Zound Industries ang karapatang panatilihin ang lahat ng iyong Personal na Data para sa mga backup, pagpigil sa pandaraya o pang-aabuso, pagtupad sa mga legal na obligasyon, o kung saan naniniwala ang Zound Industries na ang Zound Industries ay may lehitimo o mandatoryong dahilan para gawin ito.
4. ANG KARAPATAN MONG MAGHAIN NG REKLAMO
Sa anumang oras maaari mong kontakin ang Zound Industries upang tutulan ang pagpoproseso ng iyong Personal na Data kung saan ang pagpoproseso ay makatwiran batay sa mga lehitimong interes ng Zound Industries o kung saan naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatan sa pagkapribado sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data. Para sa mga ganoong pagkontak mangyaring gamitin ang impormasyon sa pagkontak nasa sa Seksyon 7 sa ibaba.
May karapatan ka ring maghain ng reklamo sa kaukulang tagapangasiwang awtoridad sa proteksyon ng data.
5. PATAKARAN SA SEGURIDAD
Nangangako ang Zound Industries na pananatilihin ang iyong Personal na Data na ligtas laban sa mga di-awtorisadong pag-access o paggamit, pagbabago, labag sa batas o aksidenteng pagsira at aksidenteng pagkawala sa pamamagitan ng paggamit, halimbawa, ng mga tanggap na pamantayan sa industriya, modernong software na napapanatiling bago at angkop na administratibo, teknikal at pisikal na pag-iingat. Kabilang dito, halimbawa, ang mga firewall, proteksyon ng password, at mga authentication control. Tanging ang mga awtorisadong empleyado, ahente at tagapagbigay ng serbisyo (na sumang-ayong panatilihing ligtas at kompidensiyal ang impormasyon) ang may access sa iyong Personal na Data. Gayunpaman, dapat mong mabatid na palaging may ilang panganib na kaakibat ng pagpapadala ng impormasyon sa internet.
Kung sakaling magkaroon ng paglabag sa seguridad na hahantong sa aksidente o labag sa batas na pagkasira, pagkawala, pagbabago, di-awtorisadong pagsisiwalat ng, o access sa, iyong Personal na Data, agad na susuriin ng Zound Industries ang panganib ng naturang pangyayari sa iyong mga karapatan at kalayaan at kung naaangkop ipagbigay-alam sa iyo at sa kaukulang tagapangasiwang awtoridad sa proteksyon ng data ang ganoong pangyayari.
Kung naniniwala kang nalagay sa panganib ang iyong Personal na Data, mangyaring makipag-ugnayan sa Zound Industries sa pamamagitan ng impormasyon sa pagkontak na ibinigay sa Seksyon 7 sa ibaba sa lalong madaling panahon.
6. MGA PAGBABAGO AT PAG-UPDATE
Maaaring i-update ng Zound Industries itong Patakaran sa Pagkapribado paminsan-minsan. Sa mga ganoong pag-update ilalagay ng Zound Industries ang bagong Patakaran sa Pagkapribado sa Website at isasaad ang petsa ng paggawa sa pinakahuling pagbabago.
Hinihikayat kang pana-panahong muling bisitahin itong Patakaran sa Pagkapribado upang palagi mong alam ang tungkol sa anumang mga pagbabago dito sa Patakaran sa Pagkapribado. Ang patuloy mong paggamit ng impormasyon tungkol sa mga update na ibinigay sa iyo matapos magkabisa ang binagong Patakaran sa Pagkapribado ay nagpapahiwatig na iyong nabasa, naintindihan at natanggap ang kasalukuyang bersiyon ng Patakaran sa Pagkapribado.
7. IMPORMASYON SA PAGKONTAK SA CONTROLLER NG PERSONAL NA DATA
Maaari kang makipag-ugnayan sa Zound Industries sa anumang oras:
- upang humingi ng access sa iyong Personal na Data na pinoproseso ng Zound Industries,
- upang iwasto ang naturang Personal na Data,
- upang hingin na higpitan ng Zound Industries ang paggamit nito sa iyong Personal na Data o i-delete ang naturang Personal na Data, o
- kung hindi mo naiintindihan ang alinman sa mga nabanggit na takda at mga kondisyon o kung mayroon kang anumang mga tanong, alalahanin o komento tungkol sa Patakaran sa Pagkapribado sa Zound Industries.
Impormasyon sa pagkontak:
Sa e-mail: gdpr@zoundindustries.com
Sa sulat:
Zound Industries International AB
Att: GDPR
Centralplan 15
111 20 Stockholm, Sweden
Ang Patakaran sa Pagkapribado na ito ay huling na-update noong: Hulyo 18, 2018.